Health Benefits


Ano - ano ang mga health benefits nito sa ating katawan?

Ang Chopsuey na pagkain ay kilala bilang masustansyang pagkain dahil ang mga sahog nito ay puro gulay. Ito ay may anim na main ingredients, ang una ay ang Broccoli, na may mataas na nutrients, kabilang na dito ang mga fiber, vitamin C, vitamin K, iron, at potassium. Pangalawa naman ang Cauliflower, na may mataas sa fiber at B-vitamins, nagprovide din ito ng antioxidants at phytonutrients na nagpoprotekta labas sa cancer. Pangatlo naman ay Carrot, na kilalang pampalinaw ng mata at bukod dito marami rin itong matataas na vitamina. Pang-apat na naman ay Bell Pepper, mayroon itong napakataas na Vitamin C at ang panglima ay Repolyo, na makakatulong upang makaiwas sa sakit sa puso. At ang panghuli ay ang Chicharo, marami rin itong health benefits tulad na lamang na ito ay makakatulong upang ma-manage ang diabetes at nakakapag-improve din ng vision ng isang tao. Alam kong karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na kumakain ng Chopsuey dahil ito ay puro gulay pero dapat nating tandaan, ang pagkain na ito ay maraming maitutulong sa ating katawan, ito ay nagbibigay sustansya at lakas sa ating kalusugan.